Thursday, May 29, 2008

destiny vs. free will

destiny vs. free will

kung makikita, tunay nga namang magkasalungat ang dalawang salitang nababanggit. ang unang salita ay sumasalamin sa isang nakatakdang mundo na kung saan wala nang pagbabagong maaari pang maganap. habang ang ikalawang salita ay nagpapahayag ng kalayaan sa mga desisyon at gawain para sa tunay na pagbabago.

kung makikita, ang mga nagtatakda sa ating mundo ang siyang nagtatakda ng ating kapalaran. wala tayong sariling kalayaan para sa ating ninanais at pangarap. tayo ay tila mga abusadong mamamayan na walang kalayaang patakbuhin ang sariling buhay dahil sa pagtatakda ng iilan. kung kaya't ang ideya ng free will ang siyang pumapasok. kinakailngan magbalikwas at lagutin ang tanikala para sa kalayaan, para sa tagumpay.

Tuesday, May 27, 2008

suyo


ang pagsuyo ay isang paraan kasama,
hindi dapat maging malalim at diretso
upang makahamig.


rebelyon

sa pakikipag-usap ko sa isa sa mga kaibigan ko kahapon, nabigyan naming pansin ang salitang rebelyon/rebellion. napaisip siya sa salitang ito dahil bakit ganoon?

ayon sa http://en.wikipedia.org/wiki/Rebellion:
Rebellion is a refusal of obedience.It may therefore be seen as encompassing a range of behaviuors from civil disobedience and mass nonviolent resistance, to violent and organized attempts to destroy an established authority such as the government. Those who participate in rebellions are known as "rebels".

ang tanong naman namin, eh pano kung ang gobyerno na mismo ang siyang lumalabag nito? (sa paanong paraan o porma? - sa paraang extrajudicial killings, enforced disappearnces). naisip din namin, ayon sa social contract, maaring bawiin mula sa gobyerno ang kanilang kapangyarihan kung hindi na ginagampanan ng estado ang kanyang responsibilidad.

....
....
....
...
...

bakit?


ang nagisnan ay ang siyang lumalason sa iyo.

ang karaniwan ang siyang pumupuksa sa iyo.
ang kahirapan ang siyang gigising at magmumulat sa iyo.
ngunit ano ang ginagawa mo?
kelan pa? ngayon na!
kumilos at magbalikwas.
ipaglaban ang kabutihan ng sangkatauhan!


ang pag-iisip para sa pansariling interes ang siyang sisira sa iyo kaibigan. hindi ang pera ang siyang makasasagot sa lahat ng iyong kahirapan. kinakailangan ng pangmatagalang solusyon na siyang pupuksa at makakapagpabangon sa tunay na tagumpay!

AROUSE, ORGANIZE, MOBILIZE!

paglisan

"nilisan mo man itong daigdig,
tinig mo'y patuloy na maririnig,
lulan ng mga himig mong alay na lipos ng pag-ibig.

pag-ibig sa bayang sa iyo'y nagluwal
at sa manggagawang labis mong minahal,
tulad mo ay hindi malilimot
habang kami ay narito

marami pang dapat imulat kasama
lipunay puno ng problema
sa paghinto ng tibok ng puso mo
kami ang magpapatuloy.."

hay.. LSS lang.. ;(

Monday, May 12, 2008

ang hirap

ang hirap pa lang maramdaman ang mga bagay na gusto mong mangyari, ngunit kapag nasa sitwasyon ka na na iyon, nakadidiri! haha :)

marahil ang lahat ng bagay ay natututunan sa takadng panahon. lahat ay natututunan ng dahan-dahan, hindi biglaan. ang pagpapanibagong hubog ay mahirap ngunit makakamtan, paunti-unti hanggang sa tagumpay.

kamatayan

hindi ko sukat akalain na darating sa arw na ito ang mga hindi ko nais at inaasahan. mahirap pa lang mapunta at maranasan ang sitwasyong iniisip mo'y madali ngunit sa katotohanan ay mahairap. iniisip ko na lamang na tunay na dumarating ang lahat sa mga ganitong panahon. mahirap isipin na hindi lamang handa ang lahat para sa ganito. kaya't dapat hindi sayangin at tunay na lubusana ng mga panahong kasiya-siya. nang sa gayun, walang dapat pagsisihan. ang buhay ay maganda upang abusuhin at linlangin. :)