Thursday, July 31, 2008

ramdam na ramdam ang kahirapan

marahil, masasabing sa bawat pagkilos mayroong tagumpay na nakakamit. ngunit kung sa esensya hindi pa ito sapat. mahirap.

ang krisis ng ekonmiya na nararanasan sa ating bansa ang siyang pangunahing dahilan ng ating kahirapan. ang mamamayan ay nagtitiis na pumila sa kabila ng init ng araw makakuha lamang ng 1 kilong bigas ng NFA. habang ang iba naman ay hindi na nakapapasok dahil sa kawalan ng pera pantustos sa pag-aaral, tuition anfd other fee increases, o sadyang huminto na dahil napilitang magtrabaho na lamang. ang iba ay namamatay dala ng kagutuman, kalamidad o kaya ay sa sakit. kung natutugunan lamang ang mga simpleng bagay na ito ng ating gobyerno, marahil masasabi nating na nararamdaman natin ang kaunlaran.

ngunit sa kabila ng bagyong Frank na kumital sa 650 na buhay ng ating kabababayn, kasama na dito ang paglubog ng MV Princess of the Stars, nasaan ang si GMA? nasa Amerika siya, kasama ng 74 junketeers na nagpapakasasa at nilulustay ang humigit-kumulang $ 1.5M! kung isinasabansa ang presyo ng langis at ang pagtanggal sa oil deregulation law, masasabi nating nararamdaamn na natin ang kaunlaran. ang pagtaas ng presyo ng langis ang siyang nagbubunsod sa pagtaas ng presyo ng iba pang bilihin. ilan lamang ito sa manipestasyon na nararamdaman nating kahirapan. bunsod ito ng pagiging at pananatiling tuta at puppet ng ating administrasyon sa imperyalsiatng U.S.

Thursday, July 3, 2008

forum1

nagkaroon ng forum kahapon at ang pangunahing speiker ay si Mr. Jun Lozada. mahusay. kinakailangang kumilos kung gusto ng pagbabago.

ang sakit

ang sakit.
gusto ko ng pagbabago. ngunit marahil mali ang aking pagtingin sa mga bagay-bagay upang kagyatan ang mga ito. marahil kelangan ko ngang makiayon sa kanila na siyang aking pinaghuhugutan ng lakas. marahil.. ngunit paminsan-minsan hindi daapt parati ang paraan. mahirap maisawari ang mga bagay. mahirap ngunit kailangang kagyatan!