Sunday, August 24, 2008

Friday, August 22, 2008

aug. 22, truth fest

kanina, kasama ako sa paghahanap para sa katotohanan. ngunit tila habang ako ay andun, nagpapakasaya lamang ang mga tao.tila walang katotohanang ating hinihintay ang naganap. concert lamang pala ang aking napuntahan. ngunit kung sa katotohanan lamang, wala.

kapit tuko si GMA sa kanyang posisyon. kung kaya't hindi lamang paghahanap sa katotohanan ang kailngan. nariyan na, malinaw nang sumasambulat sa ating mga pagmumukha ang lahat ng katotohanan. sa mga presyo ng bilihin, sa mukha ng mga batang lansangan, sa lahat. lahat ng ating nakikita ang tunay na katotohanan! ang paghahanap sa katotohanan ay gasgas na. kinakailngan na lamang ng ating pagkilos upang makamit ang tunay at karampatang demokrasya para sa lahat!

ninoy aquino

kahapon,ginunita ng buong bansa ang ika-25 napagkamatay ni Ninoy Aquino.

oo. maraming nagpupunyagi sa kanyang katapangan at kagitingan upang makamatam ng mamamayang Pilipino ang tunay na demokarasya.

sa aking tingin, tunay nga bang demokrasya ang tinatamasa ng ating bansa? marahil ang mas mainam na itawag ay nakalaya ang bansa mula sa dikatatudang, pasista at tutang si Marcos. ngunit kung tunay na demokarasya lamang ang pinag-uusapan,masasabi kong hindi pa natin ito hanggang ngayon ay nakakamtan.

isa pa.marahil nagpapasalamat tayo sa pamilya ni Ninoy dahil sa kanyang kabayanihan. ngunit hindi ba'tito lamang ay bunsod ng mga burgis na pag-iisip ng tao kung kaya't siya ay napatay? tunya nga bang sa kanyang pagkamatay hinangad niya ang tunay na kalayaan at demokrasya ng bansa?o hindi naman kaya, minsa'y ninais din niyang maluklok at makuha ang posisyon at kapangyarihang tinatamasa ni Ninoy noon? tilakabalintunaan.

Saturday, August 16, 2008

kasagutan

imperyalismong U.S.

yan yan ang dahilan ng lahat.
kahirapan. kagutuman. eksploytasyon.

ngunit karamihan kay Juan, agn tingin mababait at tagapaligtas ang mga Amerikano.
sa aking palagay HINDI!

matutong maging mapanuri at huwag magbulag-bulagan.
hindi lahat ng mga isinusubo sa iyo at dapat mong kainin at lunukin.
HUWAG.

ikamamatay mo ang iyong ginagawa.

matuto kang makibagay. iyan ang kanilang utos.
SUSUNOD ka na lamang ba? isa ka bang tuta tulad ni GMA?

mag-isip!
sumali!
makilahok!

walang mawawala sa iyo bagkus lalo mong maiintindihana ng lahat ng bagay. ;)

Wednesday, August 13, 2008

mag-kaisa

lumipas na namanang mga araw, ngunit mukang ramdam na ramdam ni Juan ang kahangalan. ramdam daw ang kaunlaran ngunit kung tutuusin patuloy pa rin ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at ang pagbuntot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

nakapagtataka lamang, tila walang ginagawa si Juan. pagtitiis, yan ang sabi ng karamihan. pagtitiyaga, yan ang utos o payo nila. ngunit kung patuloy tayong nagpapakahon, sunod-sunuran sa kanilang mga sinsabi, wala na rin tayong pinagkaiba kay Gloria na tuta ng imperyalsitang U.S. masasabing kung partai na lamang natin iniisip ang ating mga pansariling interes, at nakikinabang mula sa kapwa, wala tayong pinagkaiba sa mga pamagsamantala.

samantalahin natin ang ating mga pagkakataon. hindi natin ito dapat sinasayang, maging obhektibo at optimisko. ang pagiging negatibo ng ating mga pag-iisip ang siyang nag-aalinsunod sa ating sa pagiging tuta at pagtangkilik sa imperyalistang U.S.

maging bukas sa mga bagay. dahil ito ang tunay na kaalaman. ang tunay na intelektuwal ay hindi nagpapakulong sa mundong kanyang ginagalawan. hindi natin dapat tintali ang ating mga sarili sa mga bagay na kung tutuusin ay kayang-kayang masupil.

magkaisa. ang sama-samang adhikain at pagkilos ng ating mamamayan ay kinakailangan. gumising ka! ipagtanggol ang karapatan! isulong ang pambasang demokrasya!