lumipas na namanang mga araw, ngunit mukang ramdam na ramdam ni Juan ang kahangalan. ramdam daw ang kaunlaran ngunit kung tutuusin patuloy pa rin ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at ang pagbuntot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
nakapagtataka lamang, tila walang ginagawa si Juan. pagtitiis, yan ang sabi ng karamihan. pagtitiyaga, yan ang utos o payo nila. ngunit kung patuloy tayong nagpapakahon, sunod-sunuran sa kanilang mga sinsabi, wala na rin tayong pinagkaiba kay Gloria na tuta ng imperyalsitang U.S. masasabing kung partai na lamang natin iniisip ang ating mga pansariling interes, at nakikinabang mula sa kapwa, wala tayong pinagkaiba sa mga pamagsamantala.
samantalahin natin ang ating mga pagkakataon. hindi natin ito dapat sinasayang, maging obhektibo at optimisko. ang pagiging negatibo ng ating mga pag-iisip ang siyang nag-aalinsunod sa ating sa pagiging tuta at pagtangkilik sa imperyalistang U.S.
maging bukas sa mga bagay. dahil ito ang tunay na kaalaman. ang tunay na intelektuwal ay hindi nagpapakulong sa mundong kanyang ginagalawan. hindi natin dapat tintali ang ating mga sarili sa mga bagay na kung tutuusin ay kayang-kayang masupil.
magkaisa. ang sama-samang adhikain at pagkilos ng ating mamamayan ay kinakailangan. gumising ka! ipagtanggol ang karapatan! isulong ang pambasang demokrasya!
Wednesday, August 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment