Kahapon, Setyembre 11, 2008, nagkaroon ng rollback sa mga presyo ng langis. Pinangunahan ito ng mga kumpanyang Pilipnas Shell Petroleum Corp., Chevron Philippines Inc., Eastern Petroleum Inc., Total Philippines Corp., at Seaoil Philippines Inc. na nagbaba lamang ng P2.00 bawat litro. Habang ang Unioil Philippines Inc. ay nagbaba ng P3.00 bawat litro at P2.00 bawat litro sa diesel at kerosine.
Kung makikita, masasabing masaya si Juan sa pagbaba ng presyo ng langis. Ngunit hindi dapat sa ganito natatapos ang isyu. Patuloy pa rin anitng nararamdaman ang kahirapan na pinagpipilitan ng goebyerno na nararamdaman natin ang kaunlaran.
Sa esensya, sa bawat pagtaas o pagbaba ng $1 ng langis sa internasyunal, tumataas o bumababa ng P0.30 kada litro ng langis sa lokal. At kung makikita, noong Agosto, humugit-kumulang $18 bawat bariles ang ibinababa ng presyo ng langis sa internasyunal. Habang sa iba pang buwan, nagkaroon ng $20 at $33 bawat bariles na pagbaba ng presyo.
At kung makikita, bakit ganoon? Napakaganid ng mga kumpanayang langis upang mangalap lamang ng kanilang mga superganansiya. Harap-harapan ng ipinamumuka at ipinepresenta kya Juan ang kahirapan. Habang si Juan, pasibo, at nananatiling nag-titiis sa mga bagay-bagay. Ang pagiging free-rider ang isa sa pinakamasaklap ng prinsipyo sa buhay.
Gumising at bumangon! Tumindig at Ipaglaban ang karapatan!
Saturday, September 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment