“Edukasyon, edukasyon! Karapatan ng mamamayan!” Iyan ang parati nating naririnig sa mga aktibistang estduyante. Ngunit bakit nga ba nila ito isinisigaw? Ano ang kahalagahan nito sa lahat ng kabataan? Sa mamamayan?
Ang edukasyon ay isa sa mga batayang karapatan ng mamamayang Pilipino.
Kung ating uungkatin, ipinatupad ang Batas Pambansa Blg. 232 noong Setyembre 11, 1982 na siyang nagtatalaga ng iisang ahensiya na siyang mangangasiwa sa pang-edukasyong aspeto ng bansa – ang Ministry of Education, Culture and Sports. Ayon naman sa seksyon 34 at 35, tsapter 5, mayroong obligasyon ang gobyerno na bigyan ng pinansiya at tulong ang mga pampublikong paaralan. Habang nasasaad naman sa seksyon 38, mayroong matrikula simula hayskul upang matugunan ang pagpapaganda at pagaayos ng mga pasilidad ng paaralan. Habang nasasaad sa Seksyon 40 na karapatan ng mga pribadong paaralan ang pagdedetermina ng singil sa matrikula. [1]
Noong 1998, ipinatupad ang CHEd Memorandum Order (CMO) No. 13 na nagsasaad ng pagkakaroon ng “National Multi-Sectoral Committee on Tuition Fee (NMSCTF)” na siyang mayroong karapatang mag-desisyon sa pagtataas ng matrikula. Ang naturang komite ay bubuuin ng mga council na katawan ng mga estudyante, kaguruan, alumni at non-teaching personnel. Dagdag pa, nilalaman din ang proseso ng pagtataas ng matrikula, ma-pribado o pampublikong paaralan man. [2]
Mapapansin na walang tuition cap o limitasyon sa pagtaas ng matrikula, kung kaya’t malaya ang administrasyon ng mga paaralan na itaas ang kanilang singil. Mapapansin din na hindi sakop ng naturang batas ang miscellaneous fees at iba pang bayarin kung kaya’t ito ang nagbigay pahintulot sa mga may-ari ng paaaralan na itaas ng singil sa mga iba pang bayarin. Halimbawa na nga ang St. Scholastica’s College:
Miscellanours Fees (A.Y. 2004 - 2005)
Source: CHED-OSS
Item
Average Cost
Average % of hike
Registration
P 263.84
14.22
Library
P 300.66
15.94
Medical/Dental
P 156.76
12.64
Athletics
P 136.45
16.14
Audio Visual
P 227.67
12.74
Guidance
P 179.35
12.48
Laboratory
P 592.59
13.13
NSTP
P 322.20
15.92
ID
P 118.12
28.67
Kung makikita, nakabawi na rin ang administrasyon ng paaaralan sa mga iba pang bayarin.
Ngunit ayon kay Ms. Rizza Ramirez, presidente ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), hindi lamang pagtataas ng singil ang naisagawa. Sumulpot din ang mga iba’t ibang bayarin tulad ng accreditation fee ng Technological Institute of the Philippines (TIP), pre-registration fee ng Acquinas University sa Albay, at iba pa. [3]
Habang noong 2007, ipinatupad ang CMO No. 14 na siyang nagtatalaga ng pagkakaroon ng tuiton cap. Ayon sa Seksyon 8 ng batas, agarang papayagan ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin kung hindi ito tataas sa nangingibabaw na inflation rate. Ngunit kung matrikulang itataas ay mas mataas sa inflation rate, dapat magkaroon ng konsultasyon sa komite o stakeholders. Masasabing nagkaroon ng regulasyon sa pagtaas ng matrikula. Ngunit ang pagtaas ng iba pang bayarin ay hindi pa rin sakop ng batas. [4]
Ngunit dahil sa iba’t ibang presyur mula sa mga pribadong eskuwelahan, tulad ng organisasyong Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA)[5], itinaas ang CMO No. 14 at ibinalik ang CMO No. 13 kasama ang CMO No.16 noong 2008. Makikita na malaya na muli ang administrasyon ng mga paaralan na taasan ang singil hindi lamang sa matrikula ngunit maging sa mga ibang bayarin din.
Ayon kay CHED Deputy Executive Director Julito Vitriolo, naniniwala siyang mula 8 hanggang 10% lamang ang itaas ng mga matrikula kahit na nawala na ang tuition cap. Dagdag pa niya, bumaba ang enrollment sa pribadong paaralan na mula sa 85% na naging 60% na lamang, dahil naglipatan sa mga State Universities and Colleges (SUCs) dahil sa mas mura ng matrikula. [6] Sa ganitong argumento ng isang opisyal na galing sa gobyerno, makikita na tila nakakalimutan nila na ang edukasyon ay isang karapatan hindi isang pribilehiyo at batayang bilihin (basic commodity). Ang batas na kanilang ipinatutupad ay hindi angkop sa sitwasyon ng bansa, na tila mayroong pinapanigang iilang tao.
Ngunit kung makikita, nagkaroon din mga pagtataas ng matrikula ang mga unibersidad. Narito ang 300% na pagtaas ng matrikula sa Unibersidad ng Pilipinas na ipinatupad noong 2007. Narito rin ang 9% (general avearge) na pagtaas ng matrikula sa Jose Rizal University na ipinatupad nitong 2008. [7]
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa halimbawang pasakit ng maling batas na sa bansa ay ipinaiiral. Mga batas na mayroong kinikilingan, para sa interes ng mga iilang uri. Kung kaya’t nagkakaroon ang mga aktibista na siyang ipinaglalaban hindi lamang ang karapatan ng mga estudyante maging ng buong sambayanan. Karapatan ang edukasyon hindi isang pribilehiyo!
References:
Galvez, James Konstantin. CHED: no tuition hike this year, enrollment dipping. http://www.manilatimes.net/national/2008/may/08/yehey/metro/20080508met6.html
http://www.ceap.org.ph/presidents_report_2007.php
PNA. Tuition Fee may increase 8 to 10 percent –CHED. http://www.positivenewsmedia.net/am2/publish/Education_20/Tuition _fee_may_increse_8_to_10_percent_--_CHED.shtml
Ramota,Carl Marc. Tuition hike freeze? CHEd must be joking. http://www.bulatlat.com/news/5-16/5-16-ched_printer.html
Statutes:
Batas Pambansa Blg. 232
CHEd Memorandum Order No. 13
CHEd Memorandum Order No. 14
CHEd Memorandum Order No. 16
[1] Batas Pambansa Blg. 232
[2] CHEd Memorandum Order No. 13
[3] Ramota, http://www.bulatlat.com/news/5-16/5-16-ched_printer.html
[4] CHEd Memorandum Order No. 14
[5] http://www.ceap.org.ph/presidents_report_2007.php
[6] Galvez, http://www.manilatimes.net/national/2008/may/08/yehey/metro/20080508met6.html
[7] PNA, http://www.positivenewsmedia.net/am2/publish/Education_20/Tuition _fee_may_increse_8_to_10_percent_--_CHED.shtml
Showing posts with label tuition fee. Show all posts
Showing posts with label tuition fee. Show all posts
Saturday, September 13, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)