Tuesday, June 17, 2008

murang isipan

marahil hindi alam ng mga musmos ang ibigsabihin ng mga plakard na hawak-hawak,
marahil hindi rin nila alam ang mga isinisigaw ng tao na ginagaya nilang isigaw,
ngunit sinisigurado ko sa iyo, kaibigan, ang makita mo sila sa ganoong sitwasyon ay isang repleksyon kung anong uri ng sistema mayroon tayo na siyang nagtutulak sa kanila upang gawin ang naturang bagay.
mabuti sila't sa murang edad ay nagagamit na ang kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech), kanilang ipinahahayag ang hinain sa gobyerno, ngunit ikaw, ikaw na mayroong pinag-aralan? ano ang iyong ginagawa? marahil pagpapahalaga sa kahit katiting o sa pinakamaliit na bagay ang esensya.
sabi mo'y mura pa lamang ang kanilang isipan, ngunit sasabihin ko sa iyo, kaibigan, mas mura pa ang iyong isipan kaysa sa kanila.

paghihintay



Kaibigan. Sa mga nagaganap sa ating kapiligiran ngayon, marahil ang isa ay magpapakasasa at susunggabaan ang kanyang mga nakikita, nakikita na siyang inatakda ng iilan. Aakaalain niyang maganda at tanda ng karangyaan ang lahat, ngunit lingid sa kaalaman at eksperriyensya niya, mali siya. Hindi paghuhusga ang nasabi, marahil ito lamang ay tanda ng isang mas nakabubuti, angat sa iba, na hangarin para sa lahat.

Sa panahon ng iyong pagmamatigas, hiling ko lamang na maging mapanuri at magising ka sa katotohan. Marahil ang mundong kanyang ginagalawan ay huwad na siyang nagduduyan sa kanya. Marahil ang mga bagay-bagay ay hindi naaayon at dapat itong maiwasto. O hindi kaya, matapos ang pagsisiyasat, mawala na lamang ito ng parang bula at bumalik sa dati.

Hangad ko ang pag-asang matatagpuan niya ang tamang landas. Isang landas na tunay na kanyang ikararangal at mapatutunayan. Maghihintay ako sa maraming isang iyon, kaibigan.

Mr. de Venecia

hay

Napanood ko si Mr. Joey de Venecia sa isang interview sa Umagang Kay Ganda. Tinanong sa kanya kung ano naman daw ang balak kay PGMA na siyang magtatapos na sa 2010? Ayon kay Mr. de Venecia, marahil ay patapusin na lang siya at sa natitira pa niyang taon ay ayusin na lamang niya ang kanyang pamumuno.

Nakagugulat..

change

isang signipikanteng nabasa ko kanina:
"The philosophers have only interpreted
the world, in various ways; the point is to change it."
- karl marx
:)