Kaibigan. Sa mga nagaganap sa ating kapiligiran ngayon, marahil ang isa ay magpapakasasa at susunggabaan ang kanyang mga nakikita, nakikita na siyang inatakda ng iilan. Aakaalain niyang maganda at tanda ng karangyaan ang lahat, ngunit lingid sa kaalaman at eksperriyensya niya, mali siya. Hindi paghuhusga ang nasabi, marahil ito lamang ay tanda ng isang mas nakabubuti, angat sa iba, na hangarin para sa lahat.
Sa panahon ng iyong pagmamatigas, hiling ko lamang na maging mapanuri at magising ka sa katotohan. Marahil ang mundong kanyang ginagalawan ay huwad na siyang nagduduyan sa kanya. Marahil ang mga bagay-bagay ay hindi naaayon at dapat itong maiwasto. O hindi kaya, matapos ang pagsisiyasat, mawala na lamang ito ng parang bula at bumalik sa dati.
Hangad ko ang pag-asang matatagpuan niya ang tamang landas. Isang landas na tunay na kanyang ikararangal at mapatutunayan. Maghihintay ako sa maraming isang iyon, kaibigan.
No comments:
Post a Comment