Tuesday, June 17, 2008

murang isipan

marahil hindi alam ng mga musmos ang ibigsabihin ng mga plakard na hawak-hawak,
marahil hindi rin nila alam ang mga isinisigaw ng tao na ginagaya nilang isigaw,
ngunit sinisigurado ko sa iyo, kaibigan, ang makita mo sila sa ganoong sitwasyon ay isang repleksyon kung anong uri ng sistema mayroon tayo na siyang nagtutulak sa kanila upang gawin ang naturang bagay.
mabuti sila't sa murang edad ay nagagamit na ang kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech), kanilang ipinahahayag ang hinain sa gobyerno, ngunit ikaw, ikaw na mayroong pinag-aralan? ano ang iyong ginagawa? marahil pagpapahalaga sa kahit katiting o sa pinakamaliit na bagay ang esensya.
sabi mo'y mura pa lamang ang kanilang isipan, ngunit sasabihin ko sa iyo, kaibigan, mas mura pa ang iyong isipan kaysa sa kanila.

No comments: