Tuesday, April 22, 2008

masarap



huwag kang lumutang sa mga bagay na hindi dapat. huwag makisama kahit labag iyon sa iyong kalooban. kahit malaks ang impluwensiya ng sinuman sa iyo, desisyon mo iyo. mamili ka. binigyan ka ng sariling isip at puso, gamitin mo ito parati para sa nararapat. uwag mo lamang iniisip ang sarili mo, sariling interes. at pagkatapos noon, malalaman mo kung ano ang pakiramdam! walang kapantay, Masarap! :)


Saturday, April 19, 2008

homicide

“In tyrannical times, doing nothing in the face of oppression is in fact doing something: it is helping to murder yourself. Its participating in your own homicide. ”

- conrado de quiros

ewan



Marahil hindi ito nararapat, ngunit.. hindi ko na matiis. Ang sakit ng lipunan ay malala. Habang kausap ko ang aking kaibaigan sa txt ukol sa kanyang problema sa personal na buhay*, napaisip at nagagambala ako. Sapagkat oo nga’t kinakailngan ng kani-kaniyang mga personal na buhay ang mga tao, pero marahil mayroon pang dapat problemahin. Marami bang bagay na dapat pag-tuunan ng pansin, bukod sa personal na buhay* dahil unang-una bata pa tayo (OO na, para na akong nanay na nagsesermon!). Marami pa tayong dapat matutunan at pakatutunan. Gayundin, ang pag-una sa mga ganitong bagay ay nakabase sa pansariling interes lamang. Hindi ko sinasabing dapat na unahin ang ibang bagay at huwag isulong ang mga personal* na nararamdaman. Ngunit.. hai… ok ginawa ko lang ito on the spot pampalipas ng hinanakit at sama ng loob.

*personal na buhay– love life

batch 2008


Congratulations Batch 2008:

PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN, HUWAG ANG DAYUHAN!

quotes II


“Violence is not more adequate to describe the phenomenon of revolution as change; only where change occurs in the sense of a new beginning, where violence is used to constitute an altogether different form of government to bring about the formation of a new body politic… we can speak of revolution”

- Hannah Arendt, On Revolution

“Modernizing (revolutionary) societies – not to the signs of violence but to the signs of change”

- Ferdinand Marcos, Today’s Revolution: Democracy

>>> But if we put these in our context today, it is possible that violence may serve as he premise of change. Or maybe this:
“Jacobin type of revolution – violence is not only necessary, it is the revolution. For it’s purpose is to liquidify the oligarchs, economic imperialists, political authority and replace by the Proletariat.”

Other Quotes:

“The revolution does not begin with the attack of a powerful new force upon the state. It begins simply with a sudden recognition by almost all the passive and active membership that the state no longer exists…”

- George S. Pettee, The Process of Revolution

“The charge is bound to be correct, since no polity has ever been completely democratized. Even today what one ordinarily calls democracies areas we all know, a very long way from being fully democratized political system.”

- Prof. Robert A. Dahl, After the Revolution

“Democracy is cannot be conceived in political terms alone but in social and economic terms as well.”

“In an oppressive, undemocratic society, a Jacobin revolution is justified, even inevitable.”

-Ferdinand Marcos, Today’s Revolution: Democracy


“Consider possessions as common to all, share without hesitation when others are in need.”
- St. Thomas Aquinas

krisis sa bigas

Sa katotohan, tunay na mayroong nagaganap na krisis sa bigas taliwas sa itinatanggi ng ating pamahalaan. Ngunit paano nga ba nangyayari ito? Sa aking palagay, ito ay bunga ng patuloy na pagiging malakolonyal at neo-liberal na estado ng ating bansa.

Na kung ating babalik-tanawin ang kasaysayan, napalakas ang naturang mga paniniwala sa panahon ng dating pangulong Marcos. Ang dapat na isinusulong na pambansang industrialisasyon ay hindi natugunan bagkus napangibabawan ng pansin ang malayang kalakalan. Sa mga panahong din ito, bumagsak ang ekonomiya at kaunlaran ng Pilipinas.

Tulad ng dating Pangulong Marcos, ang Pangulong Arroyo ang siyang nagsusulong sa pagpapaloob ng Pilipinas sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT). Gayundin, ang pagsulong sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na kugn susuriin ay hindi naman nakabuuti bagkus lalong nagpapaphirap sa kalagayan ng mga magsasaka. Dagdag pa, kitang-kita ang pagsulong sa pagiging agrikultural ng Pilipinas – at manatili na lamang dito. Kung kaya;t sa kabuuan, masasabing ang ekonomiya gn Pilipinas ay isang import-dependent at export oriented.

Kung tunay na kaunlaran ang hangarin ng bawat administrasyon, bakit karamihan sa nagdaan, pumapasok ang bansa sa sobrang luwag na malayang kalakalan? Bakit hindi muna isulong ang pambansang kaunlaran at “self-sufficiency” ng bansa, bago tayo pumasok sa internasyunal na kalakalan? Bakit hindi muna natin pag-tutunan ng pansin at siguraduhing ang bawat pamilyang Pilipino ay mayroong kakaining bigas at mayroong kakainin ng tatlong beses isang araw bago magpa-bango at sumabak ang bansa sa pakiki-kalakal sa mga ibang bansa?

Wednesday, April 9, 2008

???

Sabi ng dating Pangulong Marcos, ayon sa kanyang librong Today’s Revolution: Democracy, mayroong dalawang uri ng rebolusyon: ang Jacobin at liberal revolution. Ayon sa kanya:


“When we speak of revolution, we ordinarily think of that revolution which liquidates an entire ruling class as a precondition for the establishment of a new social order. This is the Jacobin type. But there is another type of revolution, which is carried out by the assimilation of the revolutionary classes existing order, resulting just the same in a different social order. This is the liberal type of revolution.”

Sinabi pa niya:


“What can we pursued, however, is more of a liberal than a Jacobin revolution.”


Sa ganitong konteksto, hindi nalalayo ang opinyon ng palasyo. Ngunit kung ang kahirapang dinaranas ng 75%-80% ng ating mamamayang Pilipino at ang garapalang katiwalian nangingibabaw ngayon, ano mas nararapat?

Tuesday, April 8, 2008

kaibigan

Bumangon ka, hindi sapat ang magbingi-bingihan at mag-bulagbulgan sa gitna ng digmaan. Lantaran na ang korupsyong nagaganap sa ating bansa, ngunit heto ka’t natutulog, tila walang kibo at pakialam sa kaganapan. Ano pa ba ang kinakailangan upang makisangkot? Ang kahirapan at pasakit ng iba ay dapat mong malaman upang sa gayo’y mamulat at masaksihan ang katotohanan, kaibigan.

Maging mapanuri ka. Maging mapag-malasakit sa iba. Isantabi ang naghaharing pansariling interes at pangibabawan ng pagiging makabayan. Walang mawawala kung iyong susubukan, tiyak sa iyong paninindigan tayo ay lalaya. Tunay na demokrasya ng bansa ang kinakailangan, kaibigan.

Marahil mahirap maintindihan, ngunit sa kalaunay iyo ring mawawari. Ang kalupitang dinaranas ng mamamayan ay dapat ng wakasan, kaibigan.

Monday, April 7, 2008

replace the government

If you can't enforce a law because
government refuses to obey it, don't
replace the law, replace the government.
- conrado de quiros

tibak

“Walang mali sa pagiging tibak. May mali kaya may tibak.”

Habang naghahanap ako ng messages sa phone, nabasa kong muli ang kowt na pinadala ng aking kaibigan. Nakakatuwang isipin na nanroon pa din
ang naturang mensahe. Kung kaya’t sumagi muli sa aking isipan ang mga isyung pulitikal na kinahaharap ng bansa ngayon.

Naniniwala ako sa paninindigan at ipinaglalaban ng mga tibak. Obhektibo nila na maisaayos at makamtam ang demokrasyang tunay at dapat umiiral
sa bansa.

Ang pagiging kritikal at mayroong sapat na kaalaman sa mga nagaganap ay hindi sapat upang maghangad ng
pagbabago…..

the little prince





here are some lines from "the little prince"




1. “It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.”


2. “Accepted authority rests first
of all on reason. If you ordered your people to go and throw themselves into the sea, they would rise up in revolution. ”


3. “They have no roots, and that makes their life very difficult.”


4. “… Because she is my rose.”


5. “…everything changes…”


6. “And no grown-up will ever understand that this is a matter of so much importance!”






All things matters. :)

the alchemist


here are some quotes taken from a fable titled “the alchemist” by Paulo Coelho:

1. “You must always know what it is that you want."
2. “We are afraid of losing what we have, whether its our life or our possessions and property. But this fear evaporates when we understand that our life stories and history of the world were written by the same hand.”
3. “Courage is the quality most essential to understanding the Language of the World.”
4. “Wherever your heart is, that is where you’ll find your
treasure.”
5. “Everyone on Earth has a treasure that awaits him.”
6. “The darkest hour of the night came just before the dawn.”
7. “Usually the threat of death makes people a lot more aware of their lives.”
8. “When you posses great treasures within you, and try to tell others of them, seldom are you believed.”



Our happiness depends on our treasures in life. But only in our hearts we could find our treasures. :)

Saturday, April 5, 2008

paano na??

Ilang buwan na rin ang nakalilipas simula ng umusbong ang maanomalyang $329-milyon National Broadband Network kontrata sa ZTE Corporation ng China. Hanggang sa pinalalim at binigyang paliwanag ito ni Mr. Jun “J. Lo” Lozada. Ngunit tila wala pa ring natatagpuang kasagutan ang sambyanang Pilipino sapagkat tikom ang Pangulong Arroyo ukol sa akusasyon.

Kung kaya’t ang lahat ay nanawagan sa “Search for Truth and Accountability.” Ngunit ang katotohanan ay nasa testimonya na ni Mr. Lozada, ano pa ba ang kinakailangan? Hindi ba’t sapat na ang testimonya ni Mr. Lozada upang patunayan, ang heto at sumasambulat na panloloko at kasamaan ng rehimeng Arroyo?

Marahil tulad ng mga dating isyu ng anomalya at karahasang umusbong laban sa rehimeng Arroyo, maglalaho na lamang ito at malilimot sa isipan ng bawat Pilipino sa bawat araw na lumilipas. At na tila ating hinahayaan ang panloloko ng naturang administrasyon

layunin

Marahil sa paglipas ng panahon, ang ating buhay ay nagigingmakulay, sari-saring pangyayari, kasiyahan o kalungkutan man, sa buhay ang ating nararanasan, iba’t-ibang tao ang ating nakakasama at nakasasalamuha, iba’t –ibang daan ang ating tinatahak. Sa kabila nito, naniniwala akong lahat tayo ay mayroong layunin sa buhay.

Masasabi kong dumarating pala sa buhay ng tao na nalalaman at napag-tatanto ng isang indibidwal ang kanyang kagustuhan at mula dito ay unti-unti niyang nalalaman ang kanyang layunin. Sa mga panahon ding ito, kadalasan, lumalalim ang kaalaman at pag-kakainitndi ng isang tao ukol sa mundo.

Mura pa ang aking isipan, at kaunti pa lamang ang nalalaman nito, ngunit ang layuning aking dapat magampanan ay akin ng
natagpuan.

administrasyong arroyo

Ating ungkatin ang ilan sa mga anomalyang binatikos sa administrasyong Arroyo. At tila walang nangyayaring pag-usad sa mga kaso. Ilan sa mga ito ay:

1. Fertilizer Fund – na kung saan ginamit “daw” ng Pangulong Arroyo ang naturang pondo noong 2004 Presidential Elections; ipinamudmod ni Sec. Joc-Joc Bolante ang P728 milyon sa mga lokal na opisyal;
2. Diosdado Macapagal Boulevard – overpriced na umaabot sa P536 milyon;
3. Jose Pidal Account – isyu ukol sa laundering daw ng mag-asawang Arroyo ng P300-400 milyon;
4. Mega Pacific Corporation – para sa planong poll automation, ngunit nagging overpriced daw ito ng P500 milyon;
5. IMPSA deal; at ang napapanahong
6. NBN-ZTE deal – garapalang korupsyon sa gobyerno

buhay estudyante

“Mula sa iilang nakatatandang alam ang iyong pinagdaraanan,
maniwala kang may dahilan para ipagpatuloy mo ang ganitong buhay. Sana’y huwag kang magpadala sapambubuyo ng mga walang pakialam. Sana’y huwag kang matukso sa kinang ng salapi sa oras ng iyong pagtatapos sa kolehiyo. Patuloy mong tingnan ang pag-aaral hindi lang sa loob ng klasrum kundi maging sa labas nito. Sa panahong katulad nito, lubhang kailangan ang mga katulad mo.”

-DANILO ARAÑA ARAO
“Para sa Estudyanteng Nakikibaka”
Vol. VIII, No. 7, Marsop 16-29, 2008
Pinoy Weekly/ inilathala ng Bulatlat
http://bulatlat.com/2008/03/para-sa
estudyamteng-nakikibaka

Kung minsan ako ay napapaisip kung ano ba ang kahihinatnan ko pagkatapos ko sa kolehiyo. Marahil ang ilan sa aking mga kaklase at kaibigan ay mayroon ng plano sa magiging karera sa buhay. Marami ng naghihintay sa kanilang mga trabaho. Na tila hindi ko maiwasang maikumpara ang aking sarili. Ganun pa man, kung aking susuriin at susukatin, wala akong binatbat sa magiging karera ng aking kapwa estudyante.

Sa kabila nito, sa bilang at kakarampot na oras sa isang araw, dapat lamang na magampanan ang lahat ng responsibilidad. Ang pag-aaral sa mga kabataan ay hindi sapat upang maging ganap at kumpletong indibidwal sa mga panahong ito. Kinakailangan ding mahubog sa kanya ang iba’t-ibang aspeto ng isang pagkatao. Na kung saan dapat niyang mapagtanto na ang pansariling interes ang siyang makapagpapahina at makapagpapabagsak sa kanyang katauhan.

G.C.


G.C. or grade-conscious refers to a person who is really concerned with his o her grades. But when does a student becomes g.c.? I have no idea. Maybe, if he/ she is not aware of events happening around her (social and national issues), does not have time to unwind and relax, does not have time to his/ her friends and family, always thinks of his/ her grades, among others. – REALLY, I don’t know!

Advantages of being G.C.:

1. High grades mean goods grades in transcript and would eventually
lead to good job and career in the future.
2. High grades cause relief
and reward to self and parents.
3. Self-contentment


Disadvantages of being G.C.:

1. Unaware of social, national, etc. Issues
2. Most of the time, does not have social life –> BOREDOM
3. STUDY! STUDY! STUDY! STUDY!

*this entry is based on my opinion/speculations.. :)

P41.25??

“Mabubuhay Ka sa P41.25 sa Isang Araw, ayon sa
National Statistical Coordination Board”

-ALEXANDER MARTIN
REMOLLINO
BulatlatVol VIII, No. 7,
March
16-29,
2008
-m/2008/03/mabubuhay-ka-sa-p41-25-sa-isang-araw-ayon-sa-national-statistical-coordination-board

ang aking reaksyon:

Nagulat ako sa titulo ng tula. Sagpakat sa aking pagkakantanda, noong mga panahon ng Hulyo, 2007, ang isang indibidwal ay mabubuhay na $2 o humugit P80.00 bawat araw. Kung iisipin, napakabilis ng panahon, ngunit mas mabilis ang pagtaas ng mga bilihin – lalo na at nakararanas ang Pilipinas sa Rice Shortage. Ngunit ang aking ipinagtataka ay kung paano mabubuhay ang isang Pilipino sa P41.25 hawak nito (kung may hawak pa nga itong ganitong halaga) sa loob ng isang araw. Na kung saan makikita na habang lumilipas ang panahon, parami ng parami ang naghihirap at nalulugmok lalo sa kahirapan. Kung kaya’t ang “ALTANGHAP” ay siyang nauso, na kung saan ito ay pag-kain ng isang beses sa isang araw bilang ALmusal, TANGhalian, at HAPunan.Hindi maitatatwang, patuloy ang kahirapan sa ating bansa. Hanggang sa ating palasyo ay talamak ng korupsyon at katiwaliang nagaganap.

quotes

“God is too wise to be mistaken.
God is too good to be unkind.
So when you don’t understand,
when you can’t see His plan,
when you can’t trace His hand,TRUST HIS HEART.”




“Man is by nature a political animal.”
- Aristotle (384 BC - 322 BC)




“MAN can find meaning in life, short and perilous as it is,

only through devoting himself to society”
-Albert Einstein (1879-1955)