Saturday, April 5, 2008

paano na??

Ilang buwan na rin ang nakalilipas simula ng umusbong ang maanomalyang $329-milyon National Broadband Network kontrata sa ZTE Corporation ng China. Hanggang sa pinalalim at binigyang paliwanag ito ni Mr. Jun “J. Lo” Lozada. Ngunit tila wala pa ring natatagpuang kasagutan ang sambyanang Pilipino sapagkat tikom ang Pangulong Arroyo ukol sa akusasyon.

Kung kaya’t ang lahat ay nanawagan sa “Search for Truth and Accountability.” Ngunit ang katotohanan ay nasa testimonya na ni Mr. Lozada, ano pa ba ang kinakailangan? Hindi ba’t sapat na ang testimonya ni Mr. Lozada upang patunayan, ang heto at sumasambulat na panloloko at kasamaan ng rehimeng Arroyo?

Marahil tulad ng mga dating isyu ng anomalya at karahasang umusbong laban sa rehimeng Arroyo, maglalaho na lamang ito at malilimot sa isipan ng bawat Pilipino sa bawat araw na lumilipas. At na tila ating hinahayaan ang panloloko ng naturang administrasyon

No comments: