Tuesday, April 8, 2008

kaibigan

Bumangon ka, hindi sapat ang magbingi-bingihan at mag-bulagbulgan sa gitna ng digmaan. Lantaran na ang korupsyong nagaganap sa ating bansa, ngunit heto ka’t natutulog, tila walang kibo at pakialam sa kaganapan. Ano pa ba ang kinakailangan upang makisangkot? Ang kahirapan at pasakit ng iba ay dapat mong malaman upang sa gayo’y mamulat at masaksihan ang katotohanan, kaibigan.

Maging mapanuri ka. Maging mapag-malasakit sa iba. Isantabi ang naghaharing pansariling interes at pangibabawan ng pagiging makabayan. Walang mawawala kung iyong susubukan, tiyak sa iyong paninindigan tayo ay lalaya. Tunay na demokrasya ng bansa ang kinakailangan, kaibigan.

Marahil mahirap maintindihan, ngunit sa kalaunay iyo ring mawawari. Ang kalupitang dinaranas ng mamamayan ay dapat ng wakasan, kaibigan.

No comments: