Saturday, April 19, 2008

krisis sa bigas

Sa katotohan, tunay na mayroong nagaganap na krisis sa bigas taliwas sa itinatanggi ng ating pamahalaan. Ngunit paano nga ba nangyayari ito? Sa aking palagay, ito ay bunga ng patuloy na pagiging malakolonyal at neo-liberal na estado ng ating bansa.

Na kung ating babalik-tanawin ang kasaysayan, napalakas ang naturang mga paniniwala sa panahon ng dating pangulong Marcos. Ang dapat na isinusulong na pambansang industrialisasyon ay hindi natugunan bagkus napangibabawan ng pansin ang malayang kalakalan. Sa mga panahong din ito, bumagsak ang ekonomiya at kaunlaran ng Pilipinas.

Tulad ng dating Pangulong Marcos, ang Pangulong Arroyo ang siyang nagsusulong sa pagpapaloob ng Pilipinas sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT). Gayundin, ang pagsulong sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na kugn susuriin ay hindi naman nakabuuti bagkus lalong nagpapaphirap sa kalagayan ng mga magsasaka. Dagdag pa, kitang-kita ang pagsulong sa pagiging agrikultural ng Pilipinas – at manatili na lamang dito. Kung kaya;t sa kabuuan, masasabing ang ekonomiya gn Pilipinas ay isang import-dependent at export oriented.

Kung tunay na kaunlaran ang hangarin ng bawat administrasyon, bakit karamihan sa nagdaan, pumapasok ang bansa sa sobrang luwag na malayang kalakalan? Bakit hindi muna isulong ang pambansang kaunlaran at “self-sufficiency” ng bansa, bago tayo pumasok sa internasyunal na kalakalan? Bakit hindi muna natin pag-tutunan ng pansin at siguraduhing ang bawat pamilyang Pilipino ay mayroong kakaining bigas at mayroong kakainin ng tatlong beses isang araw bago magpa-bango at sumabak ang bansa sa pakiki-kalakal sa mga ibang bansa?

No comments: