Saturday, April 5, 2008

buhay estudyante

“Mula sa iilang nakatatandang alam ang iyong pinagdaraanan,
maniwala kang may dahilan para ipagpatuloy mo ang ganitong buhay. Sana’y huwag kang magpadala sapambubuyo ng mga walang pakialam. Sana’y huwag kang matukso sa kinang ng salapi sa oras ng iyong pagtatapos sa kolehiyo. Patuloy mong tingnan ang pag-aaral hindi lang sa loob ng klasrum kundi maging sa labas nito. Sa panahong katulad nito, lubhang kailangan ang mga katulad mo.”

-DANILO ARAÑA ARAO
“Para sa Estudyanteng Nakikibaka”
Vol. VIII, No. 7, Marsop 16-29, 2008
Pinoy Weekly/ inilathala ng Bulatlat
http://bulatlat.com/2008/03/para-sa
estudyamteng-nakikibaka

Kung minsan ako ay napapaisip kung ano ba ang kahihinatnan ko pagkatapos ko sa kolehiyo. Marahil ang ilan sa aking mga kaklase at kaibigan ay mayroon ng plano sa magiging karera sa buhay. Marami ng naghihintay sa kanilang mga trabaho. Na tila hindi ko maiwasang maikumpara ang aking sarili. Ganun pa man, kung aking susuriin at susukatin, wala akong binatbat sa magiging karera ng aking kapwa estudyante.

Sa kabila nito, sa bilang at kakarampot na oras sa isang araw, dapat lamang na magampanan ang lahat ng responsibilidad. Ang pag-aaral sa mga kabataan ay hindi sapat upang maging ganap at kumpletong indibidwal sa mga panahong ito. Kinakailangan ding mahubog sa kanya ang iba’t-ibang aspeto ng isang pagkatao. Na kung saan dapat niyang mapagtanto na ang pansariling interes ang siyang makapagpapahina at makapagpapabagsak sa kanyang katauhan.

No comments: